Ang mga kursong ito ay dinisenyo upang tulungan kang matutunan ang mga kasanayan na iyong kinakailangan upang maabot ang pinaka maiinam na metodolohiya sa mahusay na pagbabahagi ng Islam. Piliin ang iyong nais matutunan mula sa aming malawak na aklatan ng pagbabahagi, mataas na kalidad na mga kursong tinuturo ng mga kinikilalang eksperto sa industriya ng pagda-da’wah na mayroong puso sa pagtuturo.
Kunin ang kursong ito

iERA Dawah Training Course
Ang aming pangunahing kurso sa pagsasanay sa pagda-da’wah ay base sa kapamaraanan ng Propeta sa pag-aanyaya sa mga tao tungo sa Islam. Dala nito ang pinagsamang kolektibong mga karanasan sa loob ng ilang mga dekada upang bumuo ng epektibong paraan ng panawagan sa sangkatauhan tungo sa katiwasayan ng katotohanan. Ang kurso na ito ay nagpapakilala sayo sa pangunahing mahalaga sa da’wah.
Bagong Kurso! Malapit na!

New Muslim Mentorship
Ito ay isang pamilyar na kaganapan na marami sa atin ang nakasaksi - kapag may isang nagShahadah at tinanggap ang Islam! Ngunit, ano ngayon? Ang kurso na ito ay nagbibigay ng simpleng estruktura sa kung paano tutulong na suportahan at turuan ang mga bagong Muslim sa kanilang pagkalalakbay sa Islam.
Malapit na!

Al-Asr Programme
Ang pagiging isang da'ee ay nangangailangan ng matatag na espiritwal at personal na pagpapaunlad. Ang kurso na ito ay nakadisenyo upang hubugin ang da'ee sa mga aspetong ito, upang maging pinaka kaaya-ayang da'ee (at Muslim) sa harap ng Allah. Ang programa ay nakabase sa ika-103 kabanata ng Qur'an - ang Surat-ul Asr.
Malapit na!

Mga Tagapagturo sa Pagpapaunlad
Bilang isang dalubhasa sa da’wah, ang mga sumusunod na modyul sa loob ng programa na ito ay nabuo upang mabigyan ka ng mga kinakailangang kagamitan upang ika'y maging mahusay na tagapagsanay. Kasama dito ang partikular na mga pamamaraan sa pagtuturo batay sa mga prinsipyong matatagpuan sa akademya at nasa pagsunod sa mga katuruan aral pinaka magaling na guro - ang Propeta Muhammad (sumakanya ang Kapayapaan at Pagpapala).